VICE GANDA, ION PEREZ SHARE SWEET KISS ONSTAGE AT YOUR MEMEJESTY, QUEEN VG CONCERT

Umapaw ang kilig at sigawan sa Smart Araneta Coliseum dahil sa espesyal na partisipasyon ni Ion Perez sa concert ng asawa niyang si Vice Ganda.

Nitong nakaraang Biyernes ng gabi, June 2, 2023, nangyari ang sold-out Your Memejesty, Queen VG concert ni Vice.

Bukod sa pasabog na performances ng TV host-comedian ay naging highlight din ng kanyang show ang paghahalikan nila ni Ion onstage.

Sa ini-upload na video sa TikTok ni Darla Sauler, makikita si Vice na kumakanta ng "Gimme! Gimme! Gimme! (A Man After Midnight)" ng Swedish pop group na ABBA nang biglang lumabas si Ion at sinamahan siyang mag-perform.

Matapos ang kanilang performance ay nagbigay ng mensahe si Vice kay Ion.

Sabi ni Vice, "What you are, what I am, and what we have is just so amazingly beautiful.

"So, let's not be bothered by their noise. Let them drown in their own voice.

"Let's just continue to love so loud and proud.

"Whatever happens, wherever it takes, at the end of the day love wins."

"I love you," sagot naman ni Ion, sabay halik sa It's Showtime main host.

Read: Vice Ganda, Ion Perez celebrate 4th anniversary with fireworks

Habang magkalapat ang mga labi, itinaas pa ng dalawa ang kanilang mga kamay sabay dirty finger sa kanilang mga basher.

PHOTO: Screengrab @Darla Sauler TikTok

NETIZENS REACT

Sa comments section ng post ni Darla, marami sa mga netizens ang natuwa at mas lalong humanga sa pagmamahalan ng dalawa.

Komento ng isang netizen, "Love has no boundaries talaga. Let's keep on loving, share positivity, and happiness. So proud of you meme."

Saad ng isa, "Meme Vice normalizing LGBT love to a big crowd even in national tv. So powerful, Thank you meme!"

Sabi pa ng isa, "Sobrang deserve nila ang isa't isa. Happy pride month indeed! Loe wins talaga."

Hindi ito ang unang pagkakataon na mag-trending ang sweet moments, partikular na ang paghahalikan sa publiko nina Vice at Ion.

Noong July 2 at July 3, 2022, sa concert din ni Vice sa California ay pinagsaluhan din nila ang isang matamis na halik.

Read: Vice Ganda at Ion Perez, pinakilig ang mga Pinoy sa Amerika dahil sa halikan sa stage

VICE-ION RELATIONSHIP

Taong 2018 unang na-link sina Vice at Ion.

Bandang Marso ng nasabing taon, mas lalong uminit ang usap-usapan tungkol sa dalawa.

Noong panahong iyon, kapapasok pa lamang ni Ion sa It's Showtime bilang Kuya Escort sa segment na "Miss Q&A."

Umamin si Vice sa relasyon nila ni Ion noong October 26, 2019, kasabay ng selebrasyon ng ika-sampung anibersaryo ng Kapamilya noontime show.

Ginawa ni Vice ang pag-amin pagkatapos ng performance niya sa "Magpasikat," isang segment ng It's Showtime.

Nagkuwento ang TV host-comedian tungkol sa pagiging mag-isa, dahil wala siyang kasamang host para sa kanyang "Magpasikat" performance.

Ayon kay Vice, lagi niyang sinasabi sa mga meeting nila na kaya niyang mag-isa, pero ang totoo ay hindi niya ito kaya.

Sabi niya, "Mahirap sa buhay na maramdaman mong mag-isa ka at pinipilit mong kumbinsihin yung sarili mo na kaya mo mag-isa.

"In reality, sa totoong buhay, hindi po natin kayang mag-isa. Kailangan natin ng katulong.

"Maaaring pamilya o ang Panginoon, pero kailangan natin ng tulong. Hindi tayo puwedeng mag-isa."

Pagkatapos nito ay sinabi ni Vice na hindi siya nag-iisa, makalipas ang maraming taong naramdaman niyang siya ay mag-isa.

Pagpapatuloy ni Vice, "At itong puntong ito, ang sarap-sarap sa pakiramdam na naramdaman kong hindi ako nag-iisa.

"Kasi, for so many years, for so many times in the past, I felt I was all alone.

"At itong pangsampung taon ng Showtime, ang suwerte ko kasi hindi na ako nag-iisa.

"Meron na akong katuwang sa buhay."

Doon na niya isiniwalat ang tunay na estado ng relasyon nila ni Ion.

Read: Vice Ganda finally admits relationship with Ion Perez

October 19, 2021, ikinasal ang dalawa sa Las Vegas.

Read: Vice Ganda reveals Las Vegas wedding with Ion Perez last year

Read: It’s Showtime co-hosts to Vice Ganda, Ion Perez: "Binulaga niyo kami."

2023-06-03T12:04:10Z dg43tfdfdgfd