PHOTOGRAPHER SA WEDDING, HINIHINGAN NG REFUND MATAPOS MAGHIWALAY NG KANYANG CLIENTS

Na-shock ang photographer na si Lance Romeo nang mag-message sa kanya ang isang dating kliyente na nagre-request ng refund sa ibinayad nito sa kanya bilang wedding photographer.

Ayon sa kanyang kliyente na hindi na niya pinangalanan, hiwalay na ito sa mister at ayaw na nitong makita ang kanilang wedding photos.

Ang kasal ay kinunan ni Lance noon pang 2019.

Nai-post niya sa kanyang Twitter account last April 12, 2023 ang screenshots ng kanilang naging palitan ng text messages.  

Nilagyan ni Lance ang kanyang post ng caption na: "I swear my life is a movie… you can’t make this stuff up."

Read also: Giant cat sa Bacolod City madalas mapagkamalang Siberian Husky

Read also: Google ide-delete ang Gmail accounts na 2 years nang inactive

Sa screenshot ay mababasang nangumusta muna ang babae kay Lance (Romeo siya kung i-address nito sa text messages) na may kasunod na question mark.

Sinabi rin nitong baka hindi na ito naaalala ng photographer, pero si Lance umano ang nag-photo shoot dito nang ikasal ito at ang mister sa Durban, isang city sa South Africa.

Sumagot naman si Lance na okey siya, at sinabing naaalala niya ang kliyente.

Tanong pa niya rito, "How may I be of service?"

Dito na ipinaliwanag ng kliyente na divorced na nga ito.

Sambit pa nito, "And those pictures, I and my ex-husband don't need them anymore."

Read also: Tina Dimas, may bagsak na grades, 9 years sa college, Top 6 sa board exam

Ayon pa rito ay magaganda ang mga kuha ni Lance, pero nauwi lang sa wala dahil hiwalay na silang mag-asawa.

At doon na rin nito binigyang-diin na, "I will need a refund of the amount we paid you because we don't need them anymore."

Nagugulumihanang sagot dito ni Lance, "Pardon me? This has to be a joke, right?"

Pero sabi ng diborsyada ay "very serious" ito sa panghihingi ng refund.

Read also: After 28 years ng pagtaya, Zamboangueño na-lucky pick ang PHP21M SuperLotto jackpot prize

Ipinaliwanag naman niya rito na ang kanyang photography services ay non-refundable.

Ani Lance, "I’ve already delivered to you the service and the pictures. I can’t refund you because I can’t untake the pictures. Take care now."

Argumento naman ng babae, hindi nakasaad sa kontrata ni Lance na mayroon siyang no-refund policy.

Read also: Anak "hired" by parents para maging "full-time daughter" with PHP32K monthly salary

Read also: TRENDING: Dam pina-drain para makuha ang phone na nahulog habang nagse-selfie

Ayon pa rito, dahil doon ay may karapatan umano ito sa refund.

Hindi naman sumang-ayon si Lance sa diborsyada.

Aniya, gusto niyang magpakapropesyunal sa kausap, at ipinagdiinan na hindi niya pagbibigyan ang request nito na refund.

"It’s bad enough you want a refund four years later, it’s unfortunately embarrassing on your part."

Read also: Artwork tinawag na pangit, "sinunog" ng kliyente; painter inulan ng blessings

Sinabi ng diborsyada na bahala na ang kani-kanilang mga abogado na pag-usapan ang isyu.

Hirit pa nito, okey na ito sa refund na 70 percent ng ibinayad kay Lance, at para makapagpagaling na rin ito ng sugatang puso.

Sagot ni Lance, sabihin ng diborsyada sa lawyer nito na tawagan siya.

Sa huli, inisip pa rin ng photographer na na-prank lang siya ng dating kliyente.

Read also: "Transformers" statues na naging tourist attraction, pinatanggal ng mga kapitbahay

2023-06-02T20:08:55Z dg43tfdfdgfd