PAG-ALIS NG TVJ AT DABARKADS, NAKAAPEKTO SA RATINGS NG 'EAT BULAGA!'

GORGY RULA

Tatlong araw nang replay ang napapanood sa Eat Bulaga!. May naka-chargen naman kung ano ang date naere ang replay episode ng longest-running noontime show.

PHOTO: Eat Bulaga Facebook

Ilan sa listeners namin sa radio program sa DZRH ay laging tinatanong kung replay ba uli ang Eat Bulaga! matapos magpaalam sa TAPE ang main hosts ng programa na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon, at lahat ng co-hosts, noong Miyerkules, May 31, 2023.

Read: Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon bid goodbye to TAPE, 'Eat Bulaga!' viewers

May nakakarating sa aming ngaragan na nga raw ngayon ang TAPE sa pagbuo ng main hosts at production staff, dahil minamadali na raw na makabalik uli sila nang live.

Read: Eat Bulaga! co-hosts, nag-resign na rin sa TAPE Inc.; Sparkle artists, gustong kunin ng TAPE bilang kapalit

Naku-curious tuloy kami kung kaagad bang tatanggapin ito ng televiewers dahil ngayon pa lang ay halos lahat ng mapagtanungan ay solid TVJ at susundan daw nila kung saan magkakapagprograma ulit sina Tito, Vic & Joey, at ang buong Dabarkads.

Read: Tito Sotto says transfer to TV5 not a done deal; other options on the table

Ma-maintain kaya ng bagong hosts ang mataas na rating ng Eat Bulaga!

Sa nakuha naming NUTAM survey nung Miyerkules, Mayo 31, ay okay pa ang rating nitong 6.8%, kahit replay ang ipinalabas. 2.8% naman ang nakuha ng katapat nitong It’s Showtime.

Nung Huwebes, June 1, ay bumaba na ang rating ng Eat Bulaga! (5.6%) dahil alam na ng mga manonood na replay ito. 

Bahagyang tumaas ang It’s Showtime na naka-3.4%.

Dapat magkumahog na ang TAPE na makabalik ang Eat Bulaga! para ma-curious ang mga taong panoorin ang bagong set-up at format ng longest-running noontime show.

Abangan natin kung sino na talaga ang mapipiling hosts at kung sa susunod na linggo ba ay makapag-live na sila.

JERRY OLEA

Totoo bang magla-live na sa Lunes, Hunyo 5, ang bagong Eat Bulaga!?

Binubuo na ang main hosts at production staff. Pinapa-standby na ang cameramen.

Narito ang ratings ng iba pang programa nung May 31…

Ang Abot Kamay Na Pangarap ay 11.2%, ang AraBella ay 10%, at ang The Seed of Love ay 7%.

Ang Fast Talk With Boy Abunda ay 5.8%, ang Game of Outlaws ay 3.6%, at ang Family Feud ay 10.3%.

Nung June 1, Huwebes, ay naka-10% ang Abot Kamay na Pangarap. Ang AraBella ay 9.7%, at ang The Seed of Love ay 7.8%.

Ang Fast Talk With Boy Abunda ay 6%, ang Game of Outlaws ay 3.6%, at sumunod ang Family Feud na naka-9.5%.

NOEL FERRER

Nung Miyerkules ay natalo ng Batang Quiapo, na naka-13%, ang Voltes V: Legacy na naka-12.3%.

Pero bago iyan, may 24 Oras na naka-17%, at 3.2% naman ang TV Patrol.

Ang Hearts on Ice naman ay 9.3%, at 7% ang Iron Heart.

Pataas nang pataas naman ang Unbreak My Heart na naka-6.6%, at 4.3% ang Dirty Linen.

Interesting ang labanan ng Unbreak My Heart at Dirty Linen. How does it feel kaya na Dreamscape yun versus itself? Tapos GMA-7 versus Kapamilya and Kapatid network combined.

Ang tanong: kapag collabs and not competition ang tuon, ano pa ang saysay ng paglalabas ng comparative ratings pala?

2023-06-02T16:09:05Z dg43tfdfdgfd