JILLIAN WARD, BIBIDA SA ISANG PELIKULA; KANIYANG LEADING MAN, DAPAT ABANGAN

Nakatakdang bumida si Jillian Ward sa isang pelikula na ishu-shoot sa isang bansa. At ang kaniyang magiging leading man, isa ring dating child star.

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing dating sidekick lamang si Jillian sa movies na kaniyang ginawa, ngunit isa na siya ngayong bida.

Hamon para kay Jillian na sa ibang bansa ishu-shoot ang kaniyang kaniyang unang starring film.

“Nae-excite po ako, siyempre kasi first movie ko po siya bilang dalaga na, hindi na po ako baby. Last movie ko po baby pa po ako. Tapos out of the country pa po. Pero sa totoo lang po kinakabahan po ako kasi siyempre po bagong experience po siya dahil nga ang tagal ko na pong hindi nagmu-movie,” sabi ni Jillian.

Matipid naman ang mga sagot ni Jillian sa kung sino ang kaniyang magiging leading man, pero dapat daw abangan dahil dati rin itong child star.

“Abangan nila dahil ‘yan din po ang hindi ko pa nagagawa, ang talagang, films po na may love story talaga. Abangan po nila kung ‘yun po ba ‘yon or baka mamaya horror. Hindi natin alam,” sabi ni Jillian. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News

This article Jillian Ward, bibida sa isang pelikula; kaniyang leading man, dapat abangan was originally published in GMA News Online.

2023-06-03T15:11:41Z dg43tfdfdgfd