GMA NETWORK REMAINS NEUTRAL OVER TVJ-TAPE INC. SPLIT

Nagsalita na si GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes hinggil sa isyu sa pagitan ng TAPE Inc., ang producer ng Eat Bulaga!, at sa mga lumisang host ng noontime show na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon.

Read: Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon bid goodbye to TAPE, 'Eat Bulaga!' viewers

Sa panayam ni Atty. Annette sa 24 Oras nitong Biyernes, June 2, 2023, nilinaw niyang hindi nila kontrolado at walang pinapanigan ang Kapuso network sa nangyayari ngayon sa Eat Bulaga!.

Sa katunayan, maging sila ay nalulungkot din sa pagkalas ng TVJ at iba pang co-hosts sa TAPE Inc.

Read: Eat Bulaga! co-hosts, nag-resign na rin sa TAPE Inc.; Sparkle artists, gustong kunin ng TAPE bilang kapalit

Pahayag ni Atty. Annette, "It was beyond our control, kung may control lang tayo, kung may say tayo sa mga nangyayari, siyempre hindi natin sila papakawalan, pipigilan natin sila, susubukan nating gawin ang lahat para mag-stay sila sa atin.

"Kaya lang, sa totoo, hands-off ang GMA diyan, it's an internal issue between TVJ and TAPE Inc.

"So, wala naman talaga kaming alam about those issues. Nalalaman lang namin ang issues kapag lumalabas sa social media, newspaper, o interviews, so it wasn't right for us na makialam."

Dagdag pa niya, "From the start, wala talagang kinampihan ang GMA dito. Katulad nga ng sinabi ko, it was their internal issue, it wasn't a corporate issue."

Read: GMA Network, nalungkot sa pag-alis ng TVJ sa TAPE Inc.; may blocktime deal pa sa TAPE Inc.

Ipinaliwanag din ni Atty. Annette na sa TAPE Inc. sila may kontrata at wala sa mga host ng Eat Bulaga!.

Saad niya, "Para siguro mas maintindihan ng mga tao, ang contract kasi ng GMA is with TAPE.

"Wala kaming contract with TVJ as talent or as kasama ng TAPE.

"Ang contract na ito ay isang blocktime agreement. Ang ibig sabihin nun ay parang umuupa sila ng noontime slot sa atin, sa GMA.

"Binabayaran nila tayo ng upa para sila yung laman ng noontime slot from Monday to Saturday.

"Kung ano yung laman nun, wala tayong kinalaman dun."

Read: (UPDATED) Tito Sotto reveals "exodus" of Eat Bulaga! hosts, production staff from TAPE

Sumusunod lamang daw ang GMA Network sa napagkasunduan nila ng TAPE Inc. at ang noo'y producer ng Eat Bulaga! na si Tony Tuviera o kilala rin bilang si Mr. T.

Ayon kay Atty. Annette, "In fact, nasa contract nila na they can change hosts, they can reformat, and this contract was negotiated by Mr. [Tony] Tuviera pa noong time na yun.

"We have to honor the contract as long as there is no breach of its provisions kasi iba ang contract, e. It has legal consequences."

Read: TAPE Inc. issues statement on Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon's departure

SPARKLE GMA ARTIST OPEN TO PROVIDE TALENTs FOR TAPE INC.

Siniguro rin ni Atty. Annette na sa kabila ng nangyayari ngayon sa longest-running noontime show sa bansa na Eat Bulaga!, walang magbabago sa relasyon ng GMA-7 sa pamunuan ng TAPE Inc. gayundin sa TVJ at sa iba pang dating host ng programa.

"I fervently believe that it won't change because iba naman ang GMA, iba naman ang TAPE.

"Labas ang GMA sa issues nila with TAPE.

"Hindi naman sila umalis ng GMA. Sa totoo, umalis lang sila dun sa show na pino-produce ng TAPE," pahayag ni Atty. Annette.

Sa katunayan, kasisimula lamang umere ng bagong sitcom ni Vic sa GMA-7, ang Open 24/7, kasama si Maja Salvador. Produced ito ng M-Zet Productions ni Vic.

Wala raw ibang hangad ang Kapuso Network kundi ang bumalik ang saya sa noontime show.

Handa rin daw ang Sparkle GMA Artist—ang talent management arm ng GMA na mag-supply ng talents para sa show.

Ani Atty. Annette, "Kung wala namang conflict at pumapayag yung talents, why not, di ba?

"Kasi it's really a separate business and kung mabibigyan naman ng trabaho yung talents namin, why not."

Read: TAPE, Inc. may binubuo nang lineup ng bagong hosts para sa pagbabalik-live ng 'Eat Bulaga!'

2023-06-03T08:09:02Z dg43tfdfdgfd