DATING FHM PHILS EDITOR-IN-CHIEF ALLAN HERNANDEZ, VIVAMAX DIRECTOR NA

Direktor na rin ang dating FHM Philippines Editor-in-Chief na si Allan Hernandez dahil siya ang namamahala sa Legit, ang Vivamax movie na pinagbibidahan nina Gold Aceron at ng mga sexy star na sina Aerol Carmelo, Ataska, at Angelica Hart.

Kasama rin nila rito si Mark Anthony Fernandez.

Unang pelikula ito ni Allan kaya malaking hamon sa kanya bilang isang baguhan at "self-taught" director ang proyekto na ipinagkatiwala sa kanya.

"Dati, observer lang ako as a journalist kaya challenge ang lahat sa akin dahil bago sa akin ang galawan sa movie production.

"Alam ko ang mundo ng pelikula pero wala ako sa loob ng mundo na iyon. Buti na lang, si Daniel Palacio, yung director na dapat ay mag-a-apprentice lang ako sa kanya for Legit, sinabi niya na ako na raw ang magdirek and he will guide me throughout.

"So Day 1 apprentice ako, Day 2 pinakawalan na niya ako," ang kuwento ni Allan tungkol sa hindi nito inaasahang bagong kabanata ng kanyang buhay.

Idinagdag ni Allan na siya ang sumulat ng screenplay ng Legit na konspeto niya mula pa noong 2019.

"Sa akin talaga nanggaling ang project, mula konsepto hanggang pag-pitch sa mga boss at paghahanap ng direktor na makakatulong sa akin.

" Nagsimula ang konsepto ng Legit noong 2019. Kalilipat ko pa lang noon sa Viva mula sa FHM.

"Nagkaroon ako ng pagkakataon na i-pitch ang project noong 2021 at dapat, sisimulan na ang shooting noong 2022 pero na-delay ng isang taon.

"Kakaibang journey siya para sa newbie na katulad ko. First script written, first movie, at sinuwerteng naidirek pa," ang masayang pahayag ni Allan na ibinahagi ang plot ng pelikula niya at kung paano niya nagagamit ang mga karanasan bilang FHM editor sa kanyang movie directorial debut.

"Tungkol sa galawan ng mga Pinoy sneakerheads ang kuwento ng Legit.

"Sneakeheads ang tawag sa nangongolekta ng mga mamahaling sapatos gaya ng Nike, etc. Ganitung-ganito ang mga istorya na hinahanap namin sa FHM sa loob ng 18 years.

"At siyempre kung papaano ilabas ang kaseksihan ng female cast sa itsura at sa mga hot na eksena, kasi yan din ang ginagawa ko noon sa FHM kaya itong Legit, parang istorya sa FHM na ginawa ko na pelikula."

Hindi lamang si Allan ang FHM alumnus na kasali sa Legit dahil ang dating FHM art director na si Paul Villariba ang kanyang art direction consultant sa erotic movie na nakatakda nang ipalabas sa Vivamax sa August 2023.

2023-06-03T08:09:00Z dg43tfdfdgfd